Happiness feels just right and dreams are in sight, kapag sa puso natin, positivity ang highlight. Maniwala ka lang na kaya mong baguhin ang 'yong fate, at tandaan, ang buhay ay hindi karera kaya hindi ka pa late.
Enjoy lang sa pasiklaban ang mga kandidatang bitbit ang bandera ng sangkabaklaan sa June 23 episode ng "Miss Q and A" sa "It's Showtime."
Graduating student si Lixa Labbuanan, na dream maging flight attendant. Sa intro niya na "walang retoke," si Vice Ganda, nag-react, na para bang tinamaan?! Rapping naman ang talent ni Kim Nunez, pero hindi nagpakabog si Candiate 3, Scarlet Gajol, na rumatsada rin sa eme-emeng rap kaya ang Madlang People hindi matigil sa pag-laugh!
Kung si Scarlet ay magiging rap artist, tatawagin siyang 'Raf Ref Rif Rof Ruf.' Pagdating sa TumPak Ganern, tawanan ay through the roof dahil sa mali-mali niyang sagot! Ang English ng "kuko," sabi niya ay "nipa hut." Sino nga ba ang may kasalanan? Si Scarlet na sumagot, o si Meme Vice na nagtatanong lang naman?
Sa Round 2 na WIT Lang, sina Lixa at Kim ang naglaban! Nabunot ni Lixa ang tanong tungkol sa mararamdaman niya 'pag nakapatay ng lamok na breadwinner. Si Kim naman ay pasasalamat ang binanggit nang matanong kung anong gagawin kapag binigyan siya ng isang ektaryang lupa na nakasako.
Naging honest naman sina hurado Karylle, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves sa kanilang komento. Sabi nila, ang talak ng mga kandidata for today's video, medyo bitin at hindi sumakto.
Pero, biro nga ni Vice Ganda, kailangan may manalo. Kay Lixa ang korona sa araw na 'to!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
