Bago sumabak sa party-party, dito sa "It's Showtime" muna makisaya. Riot ang Friday with the Showtime family, parang appetizer, perfect na pampagana sa weekend na havey.
Kilala ang lugar nila bilang 'Marching Band Capital.' Nagmartsa papuntang 'Laro Laro Pick' ang mga taga-Bacoor, Cavite. Isa sa mga maswerteng Madlang Players si Buninay, ang loving wifey at nanay. Peaceful talaga ang kanilang bahay dahil sa sementeryo sila nakatira. Kaya ang pagsasama nila ni mister, literal na 'until death do us part' talaga!
Kabaliktaran ng tahimik na tirahan nina Buninay ang ingay sa studio dahil nagsama-sama ang buong Showtime family sa 'You Gotta Lyric' round. Si Vice Ganda, para bang napagkaisahan, napagtawanan at tinawag na 'kabayo' ni Vhong Navarro. Pati si Ion Perez, naki-asar sa kanyang 'misis.'
Heartbreaker naman ang special role ni Brent Manalo. Teka, 'di ba aktingan lang 'to? Bakit si Jackie Gonzaga ay parang na-hurt nang totoo? Aray mo! Sabi kasi ni Brent, "Hindi kita bet!" Aww, Ate Girl! Sakit?!
Ang daming nangyayari sa Showtime family, na sobrang kukulit! Kaya si Meme, humirit, pwede bang pa-extend ng air time kahit mga five minutes?!
Extended ang all-out na saya sa jackPOT round, kung saan naglaro si player Virgie, isang caregiver. Para matrikula ng dalawang anak sa kolehiyo, si Nanay Virgie, naging praktikal at nagpakasiguro. Tinanggap niya ang P30,000 Li-Pot offer kapalit ng P250,000 POT question. Tama ba ang kanyang desisyon?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
