← Back to Home
Barbie Bratz, may BUWELTA sa mga pamumuksa ng ibang kandidata | It’s Showtime

Barbie Bratz, may BUWELTA sa mga pamumuksa ng ibang kandidata | It’s Showtime

Barbie Bratz, may BUWELTA sa mga pamumuksa ng ibang kandidata | It’s Showtime

🕒 6/20/2026, 5:25:23 AM275 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#TalakanSaShowtime#Miss Q and A#Reyna Talak-era#Barbie Bratz#Kelly#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Sa isang Sabadong makulay, mga beki na fierce ang nagpamalas ng wit at nagpalaganap ng good vibes sa unang weekly finals ng "Miss Q and A" sa June 20 episode ng "It's Showtime."

Kanya-kanyang paandar sa pagrampa sina Miss Jawo ng Antipolo City, Kelly Agustin ng Nueva Ecija, Elisse Kagandahan Alamo ng Quezon City, Miss Mia ng Malolos Bulacan, Andrea Jane ng Del Monte Quezon City, at Barbie Bratz Ayuda ng Trece Martires Cavite.

Agad uminit ang puksaan ng mga kandidata dahil lahat ay sumabak with full confidence. Sina Barbie Bratz at Miss Jawo, mainit ang dugo sa isa't isa. Kaya biro ni Vice Ganda, kung sino pang magkamukha, sila pa ang nag-aaway!

Mula sa anim na nagpabilisan at nagpatalinuhan sa 'TumPAK Ganern' round, apat lang ang umabante sa 'WIT Lang' kung saan self-expression at pagiging creative sa mga sagot ang naging labanan. Sina Miss Jawo, Barbie, Kelly at Elisse ang pumasok sa second round.

At mula naman sa kanilang apat, sina Miss Jawo ang Kelly ang nag-face-off sa BEKLAMATION kung saan iisang tanong lamang ang kanilang sinagot. Ito ay kung anong makeup product ang ibibigay nila sa kanilang tatay.

Parehong 'lipstick' ang naisip nilang sagot, pero nagkaiba sa lalim ng paliwanag. Mas tumatak kina hurado Alexa Ilacad, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves ang talak ni Kelly, kaya siya ang itinanghal na Miss Q and A Reyna TalakERA of the week! Nakakuha si Kelly ng average score na 9.3, samantalang 8 naman ang grado ni Miss Jawo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Barbie Bratz, may BUWELTA sa mga pamumuksa ng ibang kandidata | It’s Showtime | Cheezmis