Minsan ang sikat ng araw ay sobrang tirik at nakakasilaw. Minsan naman ay malakas na ulan ang bumubuhos. Ang takbo ng panahon, parang si crush na puro mixed signals. Mabuti na lang sa "It's Showtime," steady lang ang mood. Nothing but good vibes ang forecast para sa manonood.
Parang kidlat na gumuguhit sa langit, ang mga kandidata ng 'Miss Q and A,' pasabog ang wit! Hindi nagpakabog sa isa't isa sina candidates Mima Linda, Shanaya, at Gel Balantac.
Sa magkabilang gilid, sina Jhong Hilario at Vhong Navarro, panay ang bulong kay Vice Ganda. Baka naman daw na-scam sila ni Mima Linda, na para bang pagpapanggap lang ang kabaklaan dahil sa awrahang matigas, 'yung tipong patutumbahin ang mga kalalakihan sa suntukan. Si Nicole Cordoves nga, hinarana't pinormahan!
May sariling 'amats' din si Shanaya, na idinaan sa dance steps ang pang-aasar kay Mima Linda. Samantalang si Gel, tahimik lang at tagaktak ang pawis habang nagpupuksaan ang dalawang kasama. Pawis, este, panis kayo sa kanya!
Maraming nasurpresa na si Gel pa ang naunang makasagot nang tama, matapos ang mahaba at nakakapagod na Round 1 kung saan litong-lito ang mga 'atecco' kung ano ang 'kidlat' at 'kulog' sa Ingles. Kaya today, mga ses? Sumunod kay Gel si Shanaya sa Round 2, samantalang si Mima Linda ay tuluyang nag-babu!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
