← Back to Home
Miss Q and A candidates, PINAGPAWISAN sa Ingles ng KIDLAT at KULOG | It’s Showtime

Miss Q and A candidates, PINAGPAWISAN sa Ingles ng KIDLAT at KULOG | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 6/22/2026, 5:58:40 AM295 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda#Miss Q&A#Miss Q&A Mima Linda#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime June 22 2026#Miss Q&A June 22 2026#

Kung ang kulog ay may nakakagulat na tunog, ang mga kandidata ng 'Miss Q and A' naman, may dalang alindog. Kapag sila'y nagsimulang tumalak, good vibes ay siguradong tatatak.

Parang kidlat na gumuguhit sa langit, ang mga kandidata ng 'Miss Q and A,' pasabog ang wit! Sa June 22 episode ng "It's Showtime," hindi nagpakabog sa isa't isa sina candidates Mima Linda, Shanaya, at Gel Balantac.

Sa magkabilang gilid, sina Jhong Hilario at Vhong Navarro, panay ang bulong kay Vice Ganda. Baka naman daw na-scam sila ni Mima Linda, na para bang pagpapanggap lang ang kabaklaan dahil sa awrahang matigas, 'yung tipong patutumbahin ang mga kalalakihan sa suntukan. Si Nicole Cordoves nga, hinarana't pinormahan!

May sariling 'amats' din si Shanaya, na idinaan sa dance steps ang pang-aasar kay Mima Linda. Samantalang si Gel, tahimik lang at tagaktak ang pawis habang nagpupuksaan ang dalawang kasama. Pawis, este, panis kayo sa kanya!

Maraming nasurpresa na si Gel pa ang naunang makasagot nang tama, matapos ang mahaba at nakakapagod na Round 1 kung saan litong-lito ang mga 'atecco' kung ano ang 'kidlat' at 'kulog' sa Ingles. Kaya today, mga ses? Sumunod kay Gel si Shanaya sa Round 2, samantalang si Mima Linda ay tuluyang nag-babu!

Mama mo! Sinagot ni Gel ang tanong kung bakit Mama niya'y blue, samantalang si Shanaya, inihalintulad sa pula ang Papa niya. Base sa talak nina hurados Ralph de Leon, Nicole Cordoves, at Brent Manalo, sana mas nakulayan pa ang sagot ng dalawang kandidata pero naitawid naman nila.

Sa dulo, si Shanaya ang itinanghal na panalo. Siya ang Reyna TalakEra of the Day, sa score ng 7.7.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.