← Back to Home
Miss Q&A Barbie Bratz, 'EMOSYONAL' na humingi ng 'SORRY' | It’s Showtime

Miss Q&A Barbie Bratz, 'EMOSYONAL' na humingi ng 'SORRY' | It’s Showtime

Miss Q&A Barbie Bratz, 'EMOSYONAL' na humingi ng 'SORRY' | It’s Showtime

🕒 6/19/2026, 5:51:56 AM398 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeTalakEra#Miss Q and A#Reyna Talak-era 2026#Vice Ganda#Barbie Bratz#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Ang buhay, parang pelikula na walang replay button. Kaya kumilos agad kapag ang universe ay sumenyas ng 'action!' Sabi nga nila, YOLO! 'Pag may pagkakataon sa harap mo, i-grab na, go go go!

Napa-YOLO ang mga kandidata sa "Miss Q and A" ng "It's Showtime." Dahil once in a lifetime lang ang chance na tumuntong sa entablado, hindi na sila nagdalawang-isip na tumodo. Sa June 19 episode, nag-PAK-siklaban sa rampahan at sagutan sina Andrea Jane Peralta ng Quezon City, Andrea E. ng Pampanga, at Barbie Bratz Ayuda ng Cavite.

Habang nasa kanya ang spotlight at mikropono, hindi magpapapigil si Barbie, na such a slay sa interpretative dancing sabay rapping. Multitasking?! Pero sa sobrang hyper sa paghahatid ng laughter, hindi napansin ni Barbie na meron siyang nasabi na hindi pwede sa TV. Kaya siya'y napa-sorry, with sincerity.

Kinaaliwan si Andrea Jane sa trip niyang kumanta ala Adele, pero kung tama ba ang lyrics at tono, hindi mo ma-tell. Si Andre E. naman, na-ghost ng ex-jowa. Tanong ni Vice Ganda, anong feeling na ikaw ang na-ghost pero ikaw ang mas mukhang multo? Sa kanyang slim na body, ang secret daw niya ay poverty.

Pak na pak ang tawanan sa 'TumPAK Ganern' round dahil sa nakakalokang sagot ng mga kandidata. Ano ba ang Ingles ng 'batok'? Sagot nila, neck, neck-neck, at back-neck! Ayun, walang korek!

Sa hinaba-haba man ng laban, nakuha pa rin nina Andrea Jane at Barbie ang slot sa next round, samantalang ligwak naman si Andrea E., na nagbantang 'aabangan' sa labas ang mga kasamahang kandidata.

From comedy to serious Q and A real quick! Ginalingan nina Andrea Jane at Barbie ang pagsagot sa nabunot nilang tanong na sumubok sa kanilang wit. Sa tanong na, "Bakit lumulutang ang white lady, sabog ba siya?" sagot ni Andrea, umiiwas lang ang white lady sa mga dumi dahil baka siya'y maging black lady. Samantala, hindi papayag si Barbie na magkaroon ng siyam na buhay pero lahat may taning. Sabi niya, tao siya at hindi pusa, at ayaw niyang isipin ang 'taning' dahil YOLO ang kanyang motto.

Exciting ang laban! For today, dalawang Reyna Talak-Era ang kinoronahan! Nag-tie sina Andrea E. at Barbie sa scores na ibinigay nina hurados Karylle, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Miss Q&A Barbie Bratz, 'EMOSYONAL' na humingi ng 'SORRY' | It’s Showtime | Cheezmis