← Back to Home
Vice Ganda, NALOKA sa sagot ng mga Miss Q&A candidates | It’s Showtime

Vice Ganda, NALOKA sa sagot ng mga Miss Q&A candidates | It’s Showtime

Vice Ganda, NALOKA sa sagot ng mga Miss Q&A candidates | It’s Showtime

🕒 6/18/2026, 5:58:52 AM304 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeLaroAngTalakan#Miss Q and A#Reyna Talak-era 2026#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Nicole Cordovez#Ralph de Leon

Sa init ng panahon, para bang extended ang summer ngayong taon. Pero huwag mainit ang ulo, heto, saluhin ang good vibes from "It's Showtime" family to you!

Ang mga Miss Q and A ladies of the day, nag-transform from kandidata to comedians real quick! Sa June 18 episode, nagharapan sa talakan sina Iya Zaga Arkanghel ng Laguna, Miss Mia ng Bulacan, at Toni Fowler ng Cavite.

Pinalakpakan ang kanilang galawan at confidence sa rampahan. Kung tindahan 'to, bentang-benta ang mga punchline ng tatlo. Trip ni Vice Ganda ang kili-kili ni Toni, na inihalintulad niya sa ihawan. Pero kahit makulimlim at parang may bagyo sa kanyang kili-kili, confident pa rin siya na itaas 'yan, teh! Kung anong 'dilim' ng underarm ni Toni, gano'n naman ang liwanag ng ngipin ni Iya... na pinaputi gamit ang nail polish?!

Heto ang isa pang maliwanag pa sa sikat ng araw—ang ‘amats’ nilang tatlo, hindi kayang itago! Pati si Vice Ganda ay naloka sa sagot ng mga kandidata, kaya napa-sorry na lang siya sa mga 'boss' at pabirong nag-promise na mas sasalain pa ang mga susunod na kalahok. Hirit ni Meme, napuyat siya sa pagapapa-audition, tapos ang mga nakapasa, lalaruin lang pala ang questions!

Sa hinahaba-haba man ng ddiskusyon, sa final round pa rin ang tuloy. Sina Iya at Miss Mia ang umabante sa Round 2, samantalang ligwak naman si Toni, na nangakong babalik siya, bhie! Naguluhan man nang very, very slight ang mga hurado na sina Karylle, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves sa 'kuda' ng mga kandidata, nagustuhan naman nila ang kabuuang talak nila.

Ngayong araw, tumatak ang talak ni Miss Mia. Siya ang itinanghal na Reyna Talak-Era of the day.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, NALOKA sa sagot ng mga Miss Q&A candidates | It’s Showtime | Cheezmis