TACLOBAN -- Bumoto ang self-confessed drug lord na tumatakbo ngayon bilang alkalde ng Albuera, Leyte na si Rolan "Kerwin" Espinosa, pasado 6 a.m., Lunes.
Pasok ito sa espesyal na oras na itinalaga ng Commission on Elections para sa mga senior citizen, persons with disability at mga buntis na mula 5 a.m. hanggang 7 a.m.
7 cops 'persons of interest' in Kerwin Espinosa shooting, PNP says
Ayon sa mga miyembro ng electoral board, dahil nagpapagaling pa ng kanyang mga natamong sugat matapos makaligtas mula sa pamamaril noong nakaraang buwan, napabilang si Espinosa sa hanay ng mga PWD.
Kerwin Espinosa wounded in Leyte shooting incident
Kerwin Espinosa says won’t be cowed by shooting incident
Pasado naman 9 a.m. bumoto sa parehong presinto ang kapatid ni Kerwin na si Mariel Espinosa-Marinay na tumatakbo bilang kanyang bise alkalde.
Dahil napabilang sa orange category ang Albuera, mahigpit na nakabantay ang mga pulis at sundalo.
Nasa 200 pulis at 100 sundalo ang nakabantay sa Albuera, Leyte.
