← Back to Home
911 prank caller, arestado; suspek, gusto lang ipahanap ang nawawalang nobya

911 prank caller, arestado; suspek, gusto lang ipahanap ang nawawalang nobya

Inaresto ng pulis ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa umano’y prank call sa emergency hotline 911.

🕒 8/5/2026, 9:17:55 AM240 wordsEN
Jeff Caparas

Jeff Caparas

Jeff Caparas, an ABS-CBN News reporter with 12+ years of experience, covers crime and national security. Host of Philippines’ Most Shocking Stories and DZMM’s Spot Report, he’s a DLSU-Dasmariñas graduate and a UP Jaena Journalism Workshop fellow.

#Tagalog news#crime#regions#regional news#prank call#911#emergency hotline

STA. ROSA, Laguna — Inaresto ng pulis ang isang 19-anyos na lalaki sa lungsod na ito dahil sa umano’y prank call sa emergency hotline 911.

Ayon sa Sta. Rosa police, nakatanggap sila ng tawag sa 911 nitong Martes ng hapon tungkol sa umano’y insidente ng holdap sa Barangay Loma, Biñan City. Sinabi rin ng nag-report na naroon umano sa Balibago Commercial Complex sa Santa Rosa City ang biktima at mga suspek.

Dahil sa report, agad na rumesponde ang mga pulis para beripikahin ang insidente.

“Nang matunton at makausap ng mga pulis natin ang nag-report, napag-alaman nilang walang naganap na holdap at gawa-gawa lamang ang reklamo,” sabi ni Sta. Rosa police chief LtCol. John Paolo Carracedo. 

DILG launches Unified 911 as single nationwide emergency hotline 

Inamin umano ng suspek na ang totoong dahilan kaya siya tumawag ay para makahingi ng tulong sa mga pulis para mahanap ang kanyang kasintahan na umalis matapos nilang mag-away.

Dahil sa hindi totoong report na nag-resulta ng pagresponde ng mga pulis at paggamit ng emergency resources, inaresto ang suspek. 

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 at unjust vexation.

Pinaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na ang paggawa ng prank o maling tawag sa 911 ay seryosong paglabag sa batas dahil nag-aaksaya ito ng oras, tauhan, at mga emergency resources na dapat sana’y nakalaan para sa mga tunay na nangangailangan ng agarang tulong.

PNP strengthens coordination with ride-hailing firms, urges riders to use 911


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.