← Back to Home

P15M halaga ng umano'y smuggled na sigarilyo nasabat sa Dumaguete; 3 arestado

Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng tinatayang P15 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo sa isinagawang anti-smuggling operation ng Negros Island Region Police sa Port Area, Barangay Looc, Dumaguete City.

🕒 8/6/2026, 5:23:03 AM232 wordsEN
Jeff Caparas

Jeff Caparas

Jeff Caparas, an ABS-CBN News reporter with 12+ years of experience, covers crime and national security. Host of Philippines’ Most Shocking Stories and DZMM’s Spot Report, he’s a DLSU-Dasmariñas graduate and a UP Jaena Journalism Workshop fellow.

#Smuggling#Cigarette#Sigarilyo#Dumaguete

Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng tinatayang P15.07 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo sa isinagawang anti-smuggling operation ng Negros Island Region (NIR) Police sa Port Area, Barangay Looc, Dumaguete City noong Martes ng gabi. PRO NIR

MAYNILA — Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng tinatayang P15.07 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo sa isinagawang anti-smuggling operation ng Negros Island Region (NIR) Police sa Port Area, Barangay Looc, Dumaguete City noong Martes ng gabi.

“Ikinasa ang operasyon matapos tayong makatanggap ng intelligence report na may mga kontrabandong sigarilyong isinasakay sa isang RORO vessel mula sa Pagadian City patungong Dumaguete City,” sabi ni NIR Police Office chief Brig. Gen. Romano Cardiño.

Nearly 1.9 tons of alleged smuggled meat from China seized in Parañaque

Sa pagsalakay ng mga operatiba naharang ang isang berdeng truck at nakumpiska ang 263 master cases ng umano’y ilegal at walang kaukulang dokumentong sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P15,069,900.

Nasamsam din ang naturang trak at mahigit 200 kahon ng pinatuyong isdang tamban na may tinatayang halagang P90,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, kaugnay ng pagkakasamsam ng mga kontrabandong sigarilyo.

Dinala ang mga naaresto sa Dumaguete City Police Station para sa booking at dokumentasyon, habang pansamantalang nasa kustodiya ng Philippine Coast Guard sa Dumaguete ang mga nakumpiskang sigarilyo habang isinasailalim sa kaukulang proseso.


IBA PANG ULAT


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.