Nang lapitan na ng driver ang lalaki ay bigla na siyang sinaksak ng screw driver sa bandang kili-kili. Courtesy: QCPD via Christopher Sitson
MAYNILA — Arestado ang 45-anyos na lalaki matapos saksakin ang isang 27-anyos na taxi driver sa Bgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches Quezon City.
Ayon sa pulisya, naglalakad ang suspek akay-akay ang kanyang bisikleta nang masagi ng taxi driver.
Nang lapitan na ng driver ang lalaki ay bigla na siyang sinaksak ng screw driver sa bandang kili-kili.
Inaresto ng pulisya ang nanaksak na lalaki at narekober ang ginamit na screw driver.
Sinampahan na siya ng reklamong frustrated homicide at nasa kustodiya na ng pulisya.
KAUGNAY NA VIDEO
