← Back to Home
Tricycle driver sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Antipolo

Tricycle driver sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Antipolo

Sugatan ang isang tricycle driver matapos masangkot sa karambola sa Marcos Highway na sakop ng Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal, Miyerkoles ng hapon, August 5.

🕒 8/5/2026, 11:57:06 PM204 wordsEN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#rizal#road incident#vehicular#antipolo#karambola

Sugatan ang isang tricycle driver matapos masangkot sa karambola sa Marcos Highway na sakop ng Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal, Miyerkoles ng hapon, August 5.

Sa CCTV makikita na nakabuntot ang isang pampasaherong jeep sa isang van pasado ala una ng hapon.

Umiwas ang van sa jeep na nagdire-diretso hanggang sumalpok sa nakahintong MPV. 

Bumangga ang MPV sa tricycle sa harapan nito, habang ang tricycle ay tumama sa kasunod na van.

Ang pampasaherong jeepney, nawalan pala ng preno.

“Nawalan daw ng preno. Sabi nung driver, pumutok daw yung kanyang brake. Pinilit daw niyang umiwas pero wala na talaga,” sabi ni Police Captain Richard Dela Cruz na Officer of the Day ng Antipolo Component City Police Station.

Sugatan ang tricycle driver na kasamang bumabiyahe ang asawa’t anak.

“Ni-rescue namin yung sugatan, yung tatay, nasugatan paa hanggang sa binti. Yung anak niya nauntog, may bukol. Accident zone po talaga iyon palusong po kasi kaya laging nawawalan ng preno,” sabi ni Vivien Lindo, Chairman ng Barangay Mayamot Sitio TOCS.

Ayon sa pulisya, nakipag-areglo na ang driver ng jeepney sa mga driver ng mga nadamay na sasakyan.

Paalala ng awtoridad lalo ngayong maulan at basa ang kalsada, magdoble-ingat at siguruhing nasa kondisyon ang sasakyan at sarili bago bumiyahe.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Tricycle driver sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Antipolo | Cheezmis