← Back to Home
Amain na nang-abuso umano sa 3 anak ng kinakasama, arestado

Amain na nang-abuso umano sa 3 anak ng kinakasama, arestado

Arestado ang isang 30-anyos na lalaki dahil sa paulit-ulit umanong panghahalay sa pitong taong gulang na babaeng anak ng kanyang kinakasama at pangmomolestiya sa dalawa pa nitong kapatid na anim at apat na taong gulang sa Malabon City.

🕒 8/5/2026, 11:33:12 PM358 wordsEN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#rape#statutory rape#amain#malabon#bata#panghahalay

Arestado ang isang 30-anyos na lalaki dahil sa paulit-ulit umanong panghahalay sa  pitong taong gulang na babaeng anak ng kanyang kinakasama at pangmomolestiya sa dalawa pa nitong kapatid na anim at apat na taong gulang sa Malabon City.

Ayon sa pulisya, mula Enero hanggang Pebrero 2026 nangyari ang umano’y pang-aabuso sa tatlong magkakapatid na pito, anim, at apat na taong gulang.

Anila, hiwalay na ang magulang ng mga bata at hiniram ang mga ito ng ina para magbakasyon sa bahay sa Malabon kung saan naroon ang kinakasama nito.

“Doon po nangyari while on vacation yung mga bata. Tumawag po yung mother [sa ama], yung ex ng complainant natin, ipinaalam na parang may UTI yung seven years old,” sabi ni Police Master Sergeant Diana Caballero Palmones, Supervisor ng Malabon City Police Station, Women and Children Protection Desk.

Matapos ipasuri sa ospital, hindi nakuntento ang ama ng bata sa resulta kaya’t nagtanong na sa anak.

“Tinanong ko siya, 'Anak, magsabi ka kay papa. Wag ka matakot. Ano ba talagang nangyari?'Tapos dun na po nagkwento yung bata na hinalay siya ng amain,” sabi ng ama ng mga bata.

Doon na rin napag-alaman ng ama na hindi lang ang pitong taong gulang na anak ang inabuso umano ng amain, kung hindi pati ang dalawa pa nitong nakababatang kapatid.

Marso 2026 nang magreklamo ang ama ng mga bata sa pulisya at tuluyang naaresto ang akusado nitong July 31, 2026 sa bisa ng warrant of arrest.

Itinuturing na #3 Top Most Wanted Person ng NCRPO at #1 Top Most Wanted Person ng Northern Police District at Malabon City Police Station ang akusado.

Paalala ng pulisya sa mga posible pang biktima ng pang-aabuso, “Pwede pong magsumbong sa teacher, sa barangay, sa CSWD, and then sa amin Malabon City Police Station may hotline po tayo,” ani PMSG. Palmones.

Isinailalim sa counseling ang mga bata.

“Sa ngayon nagrerecover na sa trauma na sinapit nila,” dagdag ng ama ng mga biktima.

Nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology ang akusado na nahaharap sa reklamong 11 counts ng Rape through Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na P2.2 million at Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Amain na nang-abuso umano sa 3 anak ng kinakasama, arestado | Cheezmis