← Back to Home
NAPOLCOM: Imbestigasyon sa mga pulis na umano'y nanakit sa driver ni Rhian Ramos, walang basehan

NAPOLCOM: Imbestigasyon sa mga pulis na umano'y nanakit sa driver ni Rhian Ramos, walang basehan

Walang nakikitang basehan si National Police Commission Executive Officer Atty. Rafael Calinisan para maglabas ng motu proprio investigation sa reklamo ng driver ng aktres na si Rhian Ramos.

🕒 2/19/2026, 10:11:09 AM312 wordsEN
Zyann Ambrosio

Zyann Ambrosio

Zyann Ambrosio, an ABS-CBN News reporter with 20+ years of experience, covers Metro and crime stories. Host of Bistado M.O., she’s a multi-awarded journalist and St. Paul College alumna known for investigative crime reporting.

#Napolcom#National Police Commission#Rhian Ramos#Michelle Dee#driver

MAYNILA -- Walang nakikitang basehan si National Police Commission Executive Officer Atty. Rafael Calinisan para maglabas ng motu proprio investigation sa reklamo ng driver ng aktres na si Rhian Ramos na si “Totoy”.  

Ayon kay Calinisan, matapos niyang mapanood ang mga CCTV footage na inilabas sa media mula sa Makati City Police Station, “wala raw siyang nakitang eksenang magpapatunay na may nanakit sa driver.” 

Dagdag pa niya, “Wala pa rin umanong pormal na reklamong iniha-hain sa Napolcom kaya walang batayan para umusad agad ang kanilang sariling imbestigasyon.”

Nakausap din umano ni Calinisan si Volunteers Against Crime and Corruption President Arsenio Evangelista Jr., na tumutulong sa kaso ni Totoy. Nabanggit umano sa kanila ang posibleng paglapit sa National Bureau of Investigation. Ngunit giit ni Calinisan, naging maingat siya upang maiwasan ang “forum shopping,” o ang sabay-sabay na paglapit sa lahat ng ahensya. “Very careful ako. Ayoko naman na ang mangyari, forum shopping...so I took a step back,” dagdag niya.

Batay sa salaysay ng driver, tatlong araw umano siyang nakulong sa Makati City Police Station matapos kasuhan ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ng qualified theft kaugnay umano ng pagkawala ng angpao na naglalaman ng kanyang mga larawan. Dinismiss na ng Makati City Prosecutor’s Office ang kaso, pero ni-refile ito ng kampo ni Dee para sa preliminary investigation.

Sa panig ng Napolcom, nilinaw ni Calinisan na “kailangang maging makatarungan hindi lang sa nagrereklamo kundi pati sa mga pulis na idinadawit sa isyu.” 

Dagdag pa niya, “We have to be fair… not just only for the complainant, but we also must be fair to our policemen as well.”

Samantala, nanindigan naman si Evanglista na may nangyaring pananakit kay Totoy. 

Aniya: “Wala naman talagang pananakit pero that is a very short video...I am calling yung Makati police...release different videos covering yung three days.” 

Sa ngayon, hinihintay ng kampo ni Totoy ang resulta ng imbestigasyon ng NBI.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
NAPOLCOM: Imbestigasyon sa mga pulis na umano'y nanakit sa driver ni Rhian Ramos, walang basehan | Cheezmis