Maituturing na 'ultimate tambalan' noong halalan 2022 ang 'Uniteam' nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Pero unti-unting nagkalamat ang samahan ng dalawang higanteng pwersa sa politika.
Ngayong 2025, tila umabot na ito sa sukdulan at tuluyang nabasag ang alyansang Marcos-Duterte.
Binalikan ni RG Cruz ang ilan sa mga pangyayari sa sinasabing “epic bardagulan” na humantong sa hiwalayan.
Paano rin nito maaapektuhan ang 2025 midterm elections?
