← Back to Home
Talak ni Nicole, nakatanggap ng malakas na palakpakan | It’s Showtime

Talak ni Nicole, nakatanggap ng malakas na palakpakan | It’s Showtime

Tugon ni Nicole, kahit giraffe o ano pa man 'yan, ang paghahatid-sundo ay pagpapakita ng pagmamahal, at tatanggapin niya ang love na ito.

🕒 7/28/2026, 6:59:45 AM283 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Showtime#Miss Q&A Nicole#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime July 28 2026#Miss Q&A July 28 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick July 28 2026#

Laughter comes in threes dahil sanib-pwersa muli sina Vice Ganda, MC at Lassy sa paboritong "It's Showtime" segment na Miss Q and A.

Times three rin ang wit at good vibes na dala nina candidates Trudis Manahan, Yesha Romilla Paderog, at Nicole Ayala Gokongwei, who made the FUNanghalian extra interesting dahil sa mga talent nila na 'it's giving.'

Pero iba talaga ang asaran ng magkakaibigan. Sina Meme Vice at Lassy, napagkatuwaan ang pagiging 'lutang' ni MC. At dahil walang gustong magpatalo sa mataas na energy at punchline na makukulit, ayun, pare-pareho silang pagod. Awit!

Pati si guest host Bianca Umali ay damay sa puksaan. Hirit ni Meme, nakakapikon ang ganda ni Bianca, na keri lumabas on national TV without makeup. Ansabe!

At maya-maya pa, sumabak na sina Trudis at Nicole sa Wit Lang round, kung saan na-exercise ang kanilang creativity sa pagsagot sa magkaibang katanungan. "Payag ka may nagagakagusto daw sa'yo pero ang nagsabi sa'yo ay albularyo?" ang tanong na nabunot ni Trudis. Na-confuse man siya sa tanong, naitawid pa rin niya ang talak kaya deserve pa rin ng palakpak.

Ngunit mas malakas na palakpakan ang natanggap ni Nicole for her kabogera answer sa tanong na, "Payag ka hatid-sundo ka ng jowa mo pero giraffe ang gamit niya?" Tugon ni Nicole, kahit giraffe o ano pa man 'yan, ang paghahatid-sundo ay pagpapakita ng pagmamahal, at tatanggapin niya ang love na ito.

Dahil sa LOVE-an na LOVE-an niyang kasagutan, with lots of love na tinanggap ni Nicole ang korona as today's Miss Q and A Reyna Talak-Era.

Good vibes at pag-asa ang hatid  ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.