Huwag matakot tumalak and let your voice be heard, katulad ng mga kandidata na hindi sumuko kahit bigo man no'ng una. Now they're back, louder and wittier, sa Resbakulawan round ng Miss Q and A sa "It's Showtime."
Na-miss ng sangkabaklaan sina Agua, Elise Kagandahan, at Carla Flores Argonza, kaya pati ang trio nina Vice Ganda, Lassy at MC ay hindi matapos-tapos ang kulitan with the candidates. Miss Q and A pa ba o comedy club?
Pero hindi comedy, dahil seryoso't malaman ang mga chukchak ng mga rumeres-baks. Sa Wit Lang round, witty at pasabog ang sagot ni Agua sa tanong na, "Payag ka ba na pupunta ka ng langit pero maghahagdan ka lang galing lupa?" Hirit niya, sa buhay, there's always no way.
Challenging man ang tanong na, "Anong mararamdaman mo Hapon pero kapag pinost ka social media blurred ka?" pero naitawid ni Elise ang kasagutan.
And, last but not the least, mic-drop-worthy ang statement ni Carla tungkol sa nabunot na malarong tanong, "Ano ang gagawin mo kung pinalayas ka sa bahay ng nanay mo pero natanggap ka sa trabahong work from home?"
Ang Top 2 na sina Agua at Carla ang nag-face off sa Beklamation kung saan pareho nilang hinarap ang tanong na, "Kung may pagkakataon at oportunidad, mangingibang-bayan ka ba o mananatili ka pa rin sa Pilipinas?"
Pareho ang nilalaman ng kanilang puso, oo, mananatili sila sa bansang ito. Ngunit sa huli, may isang mas umangat sa talakan. Sa Day 5 ng Resbakulawan, si Carla ang kinoronahan.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
