← Back to Home
Brent, bumoses tungkol sa ‘PAX SILICA’ | It’s Showtime

Brent, bumoses tungkol sa ‘PAX SILICA’ | It’s Showtime

Ginamit ni Brent Manalo ang boses para 'tumalak' sa ipapatayong AI and semiconductor industrial hub, Pax Silica, sa kanyang hometown sa Tarlac. Tutol si Brent sa pagpapatayo nito dahil labis na maaapektuhan ang mga magsasaka.

🕒 7/27/2026, 6:30:54 AM375 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Brent Manalo#PAX Silica#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime July 27 2026#Miss Q&A July 27 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick July 27 2026#

It’s a brand new week kaya ang Madlang People ay may bagong sigla, bagong pagkakataong sumiklab ang apoy sa puso. Huwag sayangin ang enerhiya, gamitin ang boses para sa tama And, I thank you! Dahil brand new ang week, may fresh batch of "Miss Q and A" candidates na nag-hello sa "It's Showtime."

Ganap na ganap sa puksaan at talakan sina Binibining Dana, Jinger Aman Villamor, at Wynzhl Bansagan. Sa mga trip nila, walang basagan! Merong mahilig sa geography at capital ng cities, ang isa naman ay speech ang major talent.

Sa oras na magsimula ang tanungan, pare-pareho silang naging mas palaban. Pagkatapos ng Tumpak Ganern round, sina Jinger at Binibining Dana ang nakalusot, samantalang si Wynzhl ay umuwing lotlot.

"Anong mas ayaw mo kapag matutulog, ‘yung may maingay na aso o may katabi na amoy aso?" ang tanong na nabunot ni Jinger. Sakto because she's a loving fur mom! Pero mukhang hindi sumakto ang sagot niya kina hurados Bianca Umali, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves. Gano'n din ang komento nila sa sagot ni Binibining Dana, na tumalak tungkol sa mga bestie na snaky.

Biro ni Vice Ganda, parang walang winner today. Pero maya-maya pa ay kinoronahan ang totoong reyna. Sa araw na 'to, si Jinger ang itinanghal na Miss Q and A Reyna Talak-Era.

Samantala, ginamit din ni Brent Manalo ang boses para 'tumalak' sa ipapatayong AI and semiconductor industrial hub, Pax Silica, sa kanyang hometown sa Tarlac. Tutol si Brent sa pagpapatayo nito dahil labis na maaapektuhan ang mga magsasaka.

“Marami pong hindi nakakaalam niyan, Meme. ‘Yung nangyayari ngayon, 'yung Pax Silica, 1,600 hectares of land ang makakamkam if ever man na matuloy ‘yung proyekto," paliwanag ni Brent kay Vice Ganda. Dagdag pa ni Miss Q and A candidate Binibining Dana, na minsang nagtrabaho bilang Science Research Specialist sa Department of Agriculture, makakaapekto rin ito sa genetic diversity.

"Madi-displace ang mga plants doon. 'Yung ecosystem magkakaroon ng changes. Dahil sa Pax Silica na 'yun, magkakaroon ng genetic bottleneck. At dahil sa genetic bottleneck, magkakaroon ng changes in the frequency of alleles," sabi ni Binibining Dana.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Brent, bumoses tungkol sa ‘PAX SILICA’ | It’s Showtime | Cheezmis