Ika'y mapapangiti sa ganda ni Bianca Umali, na guest co-host nina Vice Ganda at Amy Perez sa Laro Laro Pick, July 25 episode ng “It’s Showtime,” kung saan bumida ang mga taga-Don Bosco, Paranaque.
Malambot ang puso ni BIanca sa mga tulad ni player Marilou, na strong independent woman, dahil ganyan din daw ang kanyang beloved lola na itinaguyod ang labinlimang apo.
Mukhang nabudburan ni Bianca ng lucky dust si Nanay Marilou dahil umabot ito hanggang You Gotta Lyric round versus player Joan. Medyo bitin nga lang ang swerte ni nanay for today's video dahil bigo siyang mahulaan ang lyrics ng kantang ginamit bilang dialogue sa Memerimar.
Samantala, si Joan ay tumama kaya siya ang umabante sa jackpot round for the chance to win P100,000. Matapang na sinugalan ni Joan ang POT question, ngunit bigo siyang maibigay ang tamang sagot.
Sa dulo ng programa, naglabas ng isang statement si Vice Ganda. Aniya, nakarating sa pamunuan ng "It's Showtime" ang mga komento ng viewers at netizens na na-offend o hindi nagustuhan ang ilang jokes ng hosts, partikular na sa 'Memerimar' episodes sa Laro Laro Pick kaya naman humingi ng dispensa si Vice.
"The last thing we want is to displease you o hindi mapasaya ang Madlang People," pahayag ni Vice. "Kaya naman ina-acknowledge namin ang inyong sentimiyento at humihingi po kami ng paumanhin sa inyo."
"Ang we will try to do better. Maraming maraming slamat po," pagtatapos ni Vice.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
