← Back to Home
Miss Mia, JAW-DROPPING ang talak tungkol sa Pilipinas | It’s Showtime

Miss Mia, JAW-DROPPING ang talak tungkol sa Pilipinas | It’s Showtime

Miss Mia, JAW-DROPPING ang talak tungkol sa Pilipinas | It’s Showtime

🕒 7/23/2026, 6:27:14 AM363 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeParaLangSayo#Miss Q and A#Miss Mia#Vice Ganda#Brent Manalo#Jackie Gonzaga#Ralph de Leon#Nicole Cordoves

Huwag puro scroll nang scroll, baka ang utak ay ma-control. Buksan ang mata hindi lang para sa latest na chika, kundi sa mga makabuluhang balita tungkol sa bansa. Pakinggan ang talak ng Miss Q and A candidates na sumalang sa Resbakulawan Day 4 sa "It's Showtime." 

 Ang mga beki na sa chukchak ay matinik, nagbabalik! Present sina Miss Mia, Bb. Talinghaga, at Lixa, na pagkatapos ng kaunting biruan ay game mode agad ang ladies sa talakan.   

Dahil Resbakulawan, sa unang round ay isa-isang sumabak ang mga kandidata sa Wit Lang questions. Magandang laban ang bigay ni Miss Mia sa tanong na, "Kung kuko ka, magdadamdam ka ba kung kasama kang tinatakpan kahit ibang kuko naman 'yung namatay?" Sagot niya, oo, dadamayan niya ito dahil katulad sa LGBT community, they lift up each other.   

Nabunot naman ni Bb Talinghaga ang tanong na, "Kung kalabaw ka, anong mararamdaman mo kapag sinabihan kang 'ang baboy mo'?" Para sa kanya, hindi siya masasaktan dahil ang kalabaw ay simbolo ng sipag at katatagan.  

Short but sweet naman ang statement ni Lixa sa tanong na, "Ano ang mas problema ni Santa Claus? 'Yung ubo niya o pagiging overweight niya?" Para kay Lixa, mas problema ang ubo ni Santa dahil kapag narinig siyang umubo, mawawala ang sense of surprise sa puso ng mga tao.  

Ang Top 2 na sina Lixa at Miss Mia ang umabante sa next round, Beklamation, kung saan hinarap nila ang tanong na, "Kung makakahiram ka ng panahon anong gusto mong makita sa nakaraan?"  

 Magkaiba ang naging pahayag ng dalawang kandidata. Si Lixa, babalikan ang pagmamahal at panahon na kapiling ang lolo't lola na nagpalaki't nag-aruga sa kanya. Si Miss Mia naman ay ibinuhos ang damdamin tungkol sa kalagayan ng bansa, dahil nais niyang balikan ang panahon na masagana at mas maayos ang estado ng Pilipinas. Tinapos niya ang talak sa paghihikayat sa mga Pilipino na maging mulat sa katotohanan. 

 Komento ni hurado Nicole Cordoves, Miss Mia's answer was totally jaw-dropping! Kaya sa araw na 'to, sagot niya ang 'winning'!  

 Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Miss Mia, JAW-DROPPING ang talak tungkol sa Pilipinas | It’s Showtime | Cheezmis