Nagbabadya na naman ang ulan, parang may sorpresa ang kalangitan. Dito naman sa "It's Showtime," expect scattered showers... ng good vibes! Dito, sobrang OT, este, sobrang OK!
Signal No.5 ang pagbuhos ng wit ng mga "Miss Q and A" candidates. Sa June 25 episode, sina Julia Masungsong, Thalia Marimar Fulgoso Meiy Amor, at Mama Mama ang best in recitation, talak kung talak for the whole nation. Kapag nagkandabuhol-buhol ang sagot, idaan na lang sa conviction!
Si Mama Mama, mabilis na nakalusot sa 'Tumpak Ganern' round matapos maibigay ang tamang English term ng 'hikab.' Pero nagkagulo ang everyone sa ikalawang katanungan na may kinalaman sa spelling! Nilaban ni Julia ang sagot niya sa spelling ng “vaccum” na “victory-a-c-u-u-m” pero hindi ito tinanggap dahil, paliwanag ni Vice Ganda, hindi letra ang “victory.” Sa ending, ang spot ay nasulot ni Thalia. Kaya sabi ni Julia, nagkamali man siya sa spelling at hindi man sa kanya ang 'V' as in 'victory,' siya ay babangon muli.
Sa 'Wit Lang' round, nabunot ni Mama Mama ang tanong na kung ano ang gagawin niya kapag nanaginip siya na kumakain siya ng masarap pero paggising ay may waiter na naniningil. Si Thalia naman, bahagyang natigilan sa kalagitnaan ng talak, pero effective naman na pambawi ang kanyang cute na ngiti.
Samantala, expect heavy downpour ng kagandahan sa pagdating ng espesyal na hurado, si Miss Universe 2025 3rd runner-up Ahtisa Manalo. Thunderstorm advisory: Posibleng bumuhos ang selos! Si Vice Ganda, para bang 'na-jelly' sa pagpansin ni Ahtisa sa joke ng kanyang hubby. Hayaan mo na, Meme! Tumawa lang naman, eh!
Because she's mothered sa 'chukchakan,' si Mama Mama ang itinanghal na Reyna TalakEra this Thursday FUNanghalian.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
