← Back to Home
RIOT! Vice Ganda, ginulat ang co-hosts sa dalang 'PASABOG' sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

RIOT! Vice Ganda, ginulat ang co-hosts sa dalang 'PASABOG' sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

RIOT! Vice Ganda, ginulat ang co-hosts sa dalang 'PASABOG' sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 6/24/2026, 8:21:46 AM204 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeTalakPa#Laro Laro Pick#Riot#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#Ryan Bang#Cianne Domniguez#Tyang Amy

Hindi lang mga ‘accla’ kundi buong bansa ang nag-e-enjoy sa mga ganap sa "It's Showtime." Dahil pagkatapos ng pasabog na wit sa "Miss Q and A," tuloy-tuloy ang good vibes sa "Laro Laro Pick."

Isandaang libo ang naghihintay sa maswerteng taga-Cupang, Mutinlupa na makakarating sa dulo ng game arena. Pero bago ang inaabangan na aktingan at jackpot round, kinilala muna ng hosts si Jhen, ang alamang vendor na nakakahawa ang positivity. Na-share naman ni Nenok ang history ng kakaiba niyang pangalan.

Pagdating sa aktingan, all-star cast ang eksenang digmaan. May Espanyol, Hapon, at Korean sa mga karakter. At ang cinematography, winner! Pero walang nakapaghanda sa 'props' na dala ni Vice Ganda. Ang mga hosts, hindi na nakaiwas! Si Meme may mga dalang 'pasabog' at panlaban, kaya ang digmaan ay nauwi sa katatawanan!

Hindi naman maitago ang sobrang happiness ni player Ali, na umabot sa jackpot round. Wala nang patumpik-tumpik pa! Ang Li-Pot offer, itinodo na! Hindi na rin nagdalawang-isip si Ali, at ang P30,000 kanyang pinili. Good decision dahil nag-enjoy na siya sa laro, umuwi pang panalo!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.