Summer kilig ay nag-uumapaw! Matamis parang sorbetes, at kumpleto parang halo-halo ang Friday FUNanghalian na pinagsaluhan sa "It's Showtime."
Summer glow? Check. Chill vibes? Check. Pero AshRave pala ang dahilan kung bakit our hearts are wrecked. Sumabog ang puso ng lahat sa mga kilig revelations nina "PBB Collab 2.0" 3rd Big Placer Ashley Sarmiento at ex-housemates Rave Victoria, na naki-join sa kulitan sa 'Laro Laro Pick.'
Sa mga tinginan pa lang ng dalawa, para na tayong ice cream na natutunaw, lalo na nang balikan nila ang favorite memories sa Bahay Ni Kuya. Sabi ni Rave, napatunayan niyang sa "PBB" house nakikita ang true love. Napangiti na lang si Ashley at nag-agree. Sinagot din ng pares ang mga tanong tungkol sa 'ligawan' status nila. Saan nga ba ang paboritong dating spot ng AshRave? At paano nila ire-rate ang 'love' nila for each other from 1 to 10?
Perfect 10 ang tawanan sa game arena kasama ang mga Madlang Players na taga-Marikina. Kasintibay ng mga sapatos na kanilang ipinagmamalaki ang fighting spirit nilang hindi mababali.
Parang si Ryan Bang, magkabuhol-buhol man ang dila, fight lang para maka-survive sa 'It's Giving.' At gaganahan kang maki-jam sa 'You Gotta Lyric' round dahil si Darren Espanto ang leader of the band.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
