← Back to Home
Madlang Senior na si Baby Girl, nagkaroon ng asawa sa edad na 10?! | It’s Showtime

Madlang Senior na si Baby Girl, nagkaroon ng asawa sa edad na 10?! | It’s Showtime

Age is just a number dahil forever feeling young si Lola Baby Girl, na parang teleserye ang peg ng buhay pag-ibig. Sampung taon pa lamang siya nang ipagkasundong ipakasal sa lalaking tunay rin naman niyang minahal.

🕒 3/24/2026, 6:07:55 AM356 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Laro Laro Pick Senior Citizens#Madlang Senior Baby Girl#Baby Girl Laro Laro Pick#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Kim Chiu#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 24 2026#Laro Laro Pick Baby Girl#

It's officially the season of tag-init! Anong pampalamig ang gusto n’yo? Masarap ‘yung ice candy at sorbetes na inilalako. The best din ang halo-halo. Nagsisimula na rin ang mga plano ng squad for their next summer outing–sana nga lang hindi drawing! 

Dito sa "It's Showtime," hindi drawing ang trip to good vibes. At kung mainit ang panahon, malamig naman ang boses ni Bugoy Drilon. Ipinarinig ni Bugoy ang bagong kanta na hinugot sa karanasan ng mga taong "Pilit Pinili." Ouch! Ang hapdi! 

Always piliin ang happiness. Marami n'yan dito sa 'Laro Laro Pick,' mga bes, kasama ang Madlang Senior Citizens ng Pasig. Grey hair is a crown of wisdom, 'ika nga. Masarap kakuwentuhan ang mga matatanda dahil palagi silang may iniiwan na aral at inspirasyon hango sa kanilang mga buhay na pinagtibay ng panahon.  

Age is just a number dahil forever feeling young si Lola Baby Girl, na parang teleserye ang peg ng buhay pag-ibig. Sampung taon pa lamang siya nang ipagkasundong ipakasal sa lalaking tunay rin naman niyang minahal. Pero pumanaw ang unang asawa. Gano'n din ang ikalawa't ikatlo. Opo, tatlong beses  nabiyuda ang lola n'yo.  

Pero bukas ang puso niyang maghanap ng ikaapat. Malay n'yo, this time, maging matamis na ang ending, hindi maalat. "Nandito na ako," sigaw ni player Eddie sa game arena. Sa kabila ng 'history' ni Baby Girl, handa siyang subukan ang forever.  

Lahat ay may kanya-kanyang swerte, pero ang pinaka-lucky ay si player Vicky. Sa jackpot round, siya ang umabante. Idinaan ni Nanay Vicky sa charisma ang pakiusap kay Ogie Alcasid na dagdagan ang offer sa kan'ya. Nang umabot sa P40,000 ang Li-Pot, nagdesisyon siya na piliin na ito. Mas okay na raw 'yung sigurado. 

'Yun nga lang, alam pala niya ang sagot sa Pot question. Bahagya mang nanghinayang sa kan'yang desisyon, super grateful pa rin si Vicky dahil uuwi siyang may P40k, and a million times happier. Sabi nga ni lola, sa experience pa lang sa game arena, feeling panalo na siya. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Madlang Senior na si Baby Girl, nagkaroon ng asawa sa edad na 10?! | It’s Showtime | Cheezmis