← Back to Home
KALOKALIKE! MC, nakita ang 'NAWAWALANG KAPATID' sa Laro Laro Pick?! | It’s Showtime

KALOKALIKE! MC, nakita ang 'NAWAWALANG KAPATID' sa Laro Laro Pick?! | It’s Showtime

Spotted sa studio ang 'nawawalang kapatid' ni MC. Hala! Para kang namamalikmata!

🕒 3/26/2026, 6:10:43 AM231 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeHuweBestTime#Laro Laro Pick#MC Muah#Kalokalike#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Jackie Gonzaga

Parang kumukulo ang sikat ng araw. Kaya 'pag lalabas ng bahay, huwag kalimutan ang mga panangga sa init. At higit sa lahat, cool ka lang. Dito sa "It's Showtime," chill lang ang kulitan at tawanan.

Sa 'Laro Laro Pick' game arena, sumulong ang mga taga-Mabuhay, Mandaluyong. Spotted sa studio ang 'nawawalang kapatid' ni MC. Hala! Para kang namamalikmata! Pero ang ka-tandem niyang si Lassy, nakahanap din ng kakambal. Cianne Dominguez at Cianne MADUMInguez for the win, mga bes!

Wala namang kakaba-kaba sa game arena ang player na barista. Mukhang si Jhong Hilario siguro ang kinabahan sa mga 'kape' jokes niyang binitawan. Hirit ni Jhong, si Jackie Gonzaga, walang KAPE-ling. Kuys Jhong, joke time lang tayo dito, walang sakitan ng feelings!

Mukhang nauuso naman sa jackPOT round 'yung mga mag-partner na 'di magkasundo. Katuld ng eksena kahapon, magkaiba ang gustong piliin ng player at kan’yang partner. Muntik pang mag-LQ sina Hilary and her 'bebe.' Pero buti na lang pinakinggan ni Hilary ang sigaw ng kan'yang puso, kaya hindi siya na-zero.

Samantala, hindi ka maze-zero sa kilig dahil sa pagdating ng magagandang bisita. May jamming na with Kitchie Nadal, meron pang kuwentuhan na sobrang fun at ayos na ayos with Glaia de Castro and Rhian Ramos.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.