JackPOT sa tawanan ang mga eksena sa 'Laro Laro Pick' game arena. Umabot na ng P400,000 ang Pot money sa March 18 episode ng "It's Showtime." Pero sa good vibes pa lang na pinagsaluhan, talagang feeling lucky na ang mga taga-San Dionisio, Parañaque.
Ang San Dionisio, lugar pala ng mga dancers na gwapo! May dalawang choreographers sa grupo ng players—sina Nixon at Chael. Hindi naman sa nagkakainitan sila, pero dahil sa 'pang-asar' ng hosts ay para bang may namuong tensyon sa pagitan ng dalawa. Hala?! Eh, 'di idaan na lang natin 'yan sa showdown, mga kuya!
Mukhang ibang 'tensyon' naman ang naramdaman ni guest player Negi—tensyon na may kasamang kilig ba 'yan? Hindi kasi maitago ni "Uldario" ang kaba dahil sa mga tinginan ni Jhong Hilario. Hala siya! May spark ba? Pabirong tanong ni Vhong Navarro, "Baka crush mo?" Mabuti na lang nasagot ni Negi ang tanong ni Jhong sa "It's Giving" kahit may kaba sa feeling.
Crush-able naman ang performance ni "The Voice USA" champ at "Tawag Ng Tanghalan" alum and hurado Sofronio Vasquez, na para bang sumakto ang pa-harana niya sa birthday ni Cianne Dominguez. Ang tanong naman ng Madlang People, kailan ang birthday prod ni Cianne? Abangan!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
