Vhong Navarro once said, "Shoot for the moon. Even if you miss, you'll land mong the 'as.' Eme! 'Among the stars' talaga 'yun! At parang stars, kumukutitap ang good vibes sa "It's Showtime" this Wednesday FUNanghalian.
'Nag-star' ang mga mata ng Madlang People at napa-'wow' dahil sa pagbisita ni Emman Bacosa Pacquiao. At dahil first time niya sa studio, energy ay itinodo! Game na game sa pagsasayaw ang rising boksingero.
Madlang People ay nag-request pa ng more sample. Saan pa ba pinakamagaling ang bisita natin? Eh, di sa boksing! Pero syempre dapat may ka-partner sa sparring. Nag-volunteer si Lassy, na pangarap daw 'magpasuntok' kay Emman. Pero biro ng mga kaibigan, bakit basag na agad ang mukha ni Lassy kahit hindi pa man luma-landing ang kamao ng sinasabing look-alike ni Piolo?
Si Emman, hindi lang pang-boxing, pang-'Laro Laro Pick' pa! Naki-join siya sa game arena kasama ang mga madlang players na lumalaban nang buong tapang at lakas, ang mga taga-Navotas.
Na-starstruck din ang Madlang People, with matching kilig screaming nang mag-perform at magpakilala ang English-Irish boyband December 10. Ang 'Mr. Suave' natin na si Vhong, parang gustong makisali sa grupo. Kita n'yo yan? Sa kutis pa lang niyang nakakasilaw at dance moves na pangmalakasan, pang-international boy band nga ang datingan!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
