Dedma sa ex na kumakatok at may pasalubong na paulit-ulit na pasakit. But, hello sa beki na may bonggang come-bek para magpasabog ng kulit! Tatlong kandidata muli ang balik-Miss Q and A para sa chance na makabawi at ang korona ay maiuwi.
Dazzling sa pagrampa sina Miss Q and A Resbakulawan candidates Andrea Jane Peralta, Jers Sabado, at Mama Dhel, sa July 21 episode ng "It's Showtime."
Si Andrea, ang OG na nagsimula ng "Lift Me Up" trend sa Miss Q and A, may good news na dala. Dahil daw sa "It's Showtime" ay bumongga ang mga raket niya. Kung si Andrea ay mataas ang energy, si Jers naman ay very low-key. But, remember, ang tatahi-tahimik, sa talakan ay matinik! Game rin sa puksaan si Mama Dhel, na nakipag-amuyan pa kay Vice Ganda.
Dahil Resbakulawan, diretso nang sumalang ang tatlo sa Wit Lang round kung saan nasubok agad ang kanilang talino at creativity sa pagsagot. Nabuhayan ang Madlang People sa talak ni Andrea sa tanong na, "Kung baboy ka, magagalit ka pa na giniling ka pa nila, eh bubuuhin ka rin naman pala nila sa siomai?"
Matamis naman ang performance ni Jers as she took on the question, "Gugustuhin mo pa bng matikman ang tamis ng unang halik kung diabetic ka?" At give na give si Mama Dhel sa pagtalak with feelings nang mabunot ang tanong na, "Kung lechon ka, saan ka mas maiinis, 'yung tinusok ka ng kawayan o sinungalngal ka ng mansanas?"
Sina Andrea at Jers ang umabante sa BEKLAMATION kung saan ang kanilang husay ay iwinagayway sa pagharap sa tanong na, "Anong mas mahirap? 'Yung lumayo sa mahal mo o manatili sa taoong 'di mo mahal?"
Na-impress si hurado Nicole Cordoves, pero aminadong nakulangan nang kaunti sa 'chukchak' ng dalawang ladies. Kaya para iwas-bitin, pati si Vice Ganda ay tumalak na rin!
Sa huli, itinanghal na Miss Q and A Reyna Talak-Era Resbakulawan daily winner si Andrea.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
