← Back to Home
NAGKATOTOO 'YUNG KISS! Jackie, namula sa eksena nila ni Darren | It’s Showtime

NAGKATOTOO 'YUNG KISS! Jackie, namula sa eksena nila ni Darren | It’s Showtime

NAGKATOTOO 'YUNG KISS! Jackie, namula sa eksena nila ni Darren | It’s Showtime

🕒 6/3/2026, 5:50:51 AM317 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeSharmaine#Laro Laro Pick#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#Vice Ganda#Ogie Alcasid

Trending ang 'new era' at rebranding. May nagpapa-make-over for their glow-up. Pati mga prutas, gustong magpalit ng pangalan at mag-level up?! IYKYK.

Sa June 3 episode naman ng "It's Showtime," level up ang chemistry nina Darren Espanto at Jackie Gonzaga. Kung pwede lang 'ipa-notaryo' ang kilig, 'di ba?

'Kota' si Ate Girl sa aktingan portion ng 'Laro Laro Pick' dahil not just once, but twice niyang naka-eksena si Darren. Sa unang eksena, tinotoo ni Darren ang linyang bibigyan ng kiss at hug si Jackie. Asususus! May babaeng maganda na namumula! Hindi pa 'yan ang ending, dahil may sequel ang yakapan sa next round ng acting!

Samantala, biro Vice Ganda, malapit nang magkaroon ng twenty-percent discount ang pa-Senior Citizen na si Ogie Alcasid. Pero malayo pa sa retirement ang energy ng Chief of OPM at nakipagsabayan pa sa hatawan with Darren. Kahit pinagpawisan nang husto sa mga challenges na ibinigay ni Meme, game pa rin ang 'tito' na tinilian ng Madlang People sa studio.

Saan 'dalahen' ang energy na ganito kataas? Eh, 'di sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga taga-Pulang Lupa Uno, Las Piñas!

Gigil ni Meme Vice ay na-trigger, dahil kay Mutya na malabo ang mga answers. Kinakabahan lang daw si mommy, pero maya-maya naman ay luminaw ang usapan. Kinilala rin ng hosts si Mama Jo, ang makinurista... na manghuhula? Isang tingin lang sa paa ni Jackie Gonzaga, may na-sense na siyang future jowa? At anong kapangyarihan mayroon si Mama Jo, na sa pamamagitan ng hininga ay pinatangkad si Ogie?!

Blockbuster naman ang excitement sa naging laro ng Madlang Players. Para bang may dalang swerte si Meme dahil ang nakakulitan niyang si Mutya, sa jackpot round ay umabante. Nahirapan man sa kan'yang pagpili, si Mutya, umuwing happy.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
NAGKATOTOO 'YUNG KISS! Jackie, namula sa eksena nila ni Darren | It’s Showtime | Cheezmis