Kilala natin si Rico Blanco bilang mahusay na singer, songwriter, at musician, pati na rin bilang isa sa mga tinitingalang icons sa OPM rock scene. Subalit, sa kanyang guesting sa “It’s Showtime” kasama ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez upang i-promote ang upcoming movie nila na “Project Baby,” tila natanggal nang sandali ang kanyang angas.
Ang Showtime fam kasi, hindi pinalampas ang pagkakataong isabak sina Rico at Sue sa “Oooh Lala Baby” dance challenge kasama ang Baby Dolls. Nahihiya man dahil hindi naman talaga siya dancer—at sinabayan pa ng makulit na pang-aasar ng hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro—walang nagawa si Rico kundi ipakita ang natatago niyang dance moves.
Bago nito, inusisa muna siya ni Kim Chiu tungkol sa pakiramdam ng pagpasok niya sa kanyang acting era. Ayon kay Rico, “Enjoy, lalong-lalo na kasama ko si Sue. Sobrang nag-enjoy talaga kami do’n sa paggawa nitong ‘baby’ namin.”
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
