“Uy, best friend, acting lang ‘to!”
Ito ang natatawang naibulalas ni Darren nang mapansing para bang masyado nang siniseryoso ni Ryan ang aktingan nila sa second scene ng “You Gotta Lyric” round ng “Laro Laro Pick”.
Ang eksena kasi, sinusubukan ng karakter ni Ate Girl Jackie na akitin ang karakter ni Ryan habang nagsasayaw sila sa tila isang club. Ngunit biglang nabasag ang fantasy ni Ate Girl nang mabunyag na si Ryan pala ay isang bading! Hindi lang iyon—may jowa na rin siya, na walang iba kundi ang karakter na ginampanan ng best friend niyang si Darren.
Okay naman ang naging takbo ng performance nila, pero si Darren biglang na-out of character dahil sa kaba! Very into his role kasi si Ryan kaya si Darren, hindi mapigilang matawa at medyo mailang dahil sobrang lapit na ng mga mukha nila sa isa’t isa.
In the end, naging effective naman ang acting nila dahil ang contestant na si Jaja, matagumpay na na-figure out na lyrics mula sa hit song ni Britney Spears na “Toxic” ang ginamit sa eksena.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
