← Back to Home
Vice Ganda, proud na ibinahaging nasa ‘autism spectrum’ si TNT contender Yannie | It’s Showtime

Vice Ganda, proud na ibinahaging nasa ‘autism spectrum’ si TNT contender Yannie | It’s Showtime

Nasa autism spectrum man siya, pinatunayan ni TNT contender Yannie Basical na kaya niyang makipagsabayan sa kanyang mga katunggali.

🕒 6/1/2026, 7:18:38 AM244 wordsEN

Mary Ann Bardinas

#TNT#Tawag ng Tanghalan#TNT Yanie#Austism#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime June 1 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick June 1 2026

Hindi naikubli ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda kung gaano siya ka-proud kay “Tawag ng Tanghalan” Season 10 contender Yannie Paul Basical dahil sa ipinamalas niyang husay sa pagkanta ng “Rise Like A Phoenix” ni Conchita Wurst sa unang araw ng national finals. 

Bagama’t lahat ng mga kalahok sa kompetisyon ay may angking galing, higit na espesyal ang paghanga at pride na nararamdaman ni Vice para sa pambato ng Region 3 dahil siya ay mayroong autism. 

“Sa mga unang beses palang siyang napanood na kumanta rito, ito ‘yong Kapamilya nating ipinagmamalaki dahil si Yannie ay nasa autism spectrum. Pero nakikita natin kung gaano kataas ‘yong talent niya,” saad ng “Unkabogable Star.” 

Dagdag pa niya, natutuwa siya na sa kabila ng kanyang kondisyon, napatunayan ni Yannie na ang kakayahan ng mga kagaya niya ay hindi limitado. Kaya nilang makipagsabayan sa kayang gawin ng iba at pwede rin nilang maranasan ang nararanasan ng lahat. Kaya naman masayang-masaya nila siyang tinatanggap at pinapalakpan sa “Tawag ng Tanghalan.” 

Proud ding ibinihagi ni Vice na parte ng isang musical play sa school nila si Yannie, kung saan siya ang in-charge sa mga musika na gagamitin nila sa produksyon. Dahil dito, napabaliktanaw sina Jackie at Vice sa kanilang memorable experiences sa pagsali sa school plays noong mga estudyante pa lamang sila. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, proud na ibinahaging nasa ‘autism spectrum’ si TNT contender Yannie | It’s Showtime | Cheezmis