Sa pakikipaghuntahan ng hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro kay “Laro Laro Pick” contestant Ace napa-reminisce sila ng kanilang mga nakakatawa at di malilimutang memories noong mga estudyante palang sila.
Hanggang sa dumako ang usapan sa “research,” na isa raw sa mga mami-miss ni Ace sa kanyang high school life. Bagama’t mahirap ito para sa iba, naging madali naman daw ito para sa kanya dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya gaya ng AI, o artificial intelligence, na aminado si Ace na ginagamit niya.
Malaki man ang tulong ng AI, lalo na sa mga estudyanteng tulad ni Ace, hindi rin maikakaila ang mga negatibong epekto nito na lubhang nakakatakot. Isa na rito ang posibilidad na baka mapalitan nito ang mga manggagawa sa ilang sektor.
Pero para kay Vice, kahit gaano pa kagaling at kabilis ang AI sa pagbibigay ng impormasyon, naniniwala siyang hinding-hindi nito kayang palitan kailanman ang mga guro. Aniya, “Hindi maaaring palitan ng AI ang guro ng gano’n-gano’n na lang. Kasi ‘yong AI walang empathy, di ba? Walang soul.”
Bukod sa mga guro, isa pang “trabaho” na sigurado siyang hinding-hindi kayang tumbasan ng AI ay ang pagiging holdaper. Biro niya, paano nga naman ito magagawa ng AI?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
