Hindi lahat ay mananatili sa ibaba, basta maging confident at palaban sa buhay, you will fly high parang makulay na butterfly!
Tatlong magagandang paru-paro ang lumipad sa "It's Showtime" studio, as they slay the runway sa "Miss Q and A." Pangarap ni Contestant 1, Tine Pedamato, ang maging flight attendant, pero ngayon sa Showtime stage muna ang kanyang flight, sabay palipad ng 'I love you' kay Ryan Bang.
Lumaban din ang beauty ni Contestant 2, Elisse Kagandahan Alamo, who shares the same dream as Contestant 1. At pareho nilang bet si Ryan.
Pero heto ang bumali sa ganda ng naunang dalawang kandidata. Laugh trip ang hatid ni Contestant 3, Heart Babangelista, na inihalintulad ang sarili sa mangga. Kayo na lang ang bahalang mag-isip kung 'yung matamis o maasim ba! Huwag loloko-loko, “bata” ‘yan ni Vice Ganda!
Matapos ang pabilisan at pagalingan sa pagsagot sa Round 1, sina Elisse at Heart ang nagpuksaan sa next stage ng talakan. Sa tanong na kung papayag ba siyang lipstick-an ang isang cobra, sagot ni Elisse, lahat ay gagawin niya para sa pamilya. Nasubukan naman ang puso at talino ni Heart sa tanong na kung matutuwa ba ang tatay niya 'pag may nagsabing magkamukha sila.
Gaano kaya bumilib ang mga hurado? Si hurado Ralph de Leon, napakamot na lang ng ulo! Nagpahayag din ng honest comments sina Karylle at Nicole Cordoves. Sa dulo, si Elisse ang itinanghal na reyna ng talakan of the day!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
