← Back to Home
“‘Yung kili-kili ko!” Alexa, pinagpawisan nang malala sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

“‘Yung kili-kili ko!” Alexa, pinagpawisan nang malala sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

“‘Yung kili-kili ko!” Alexa, pinagpawisan nang malala sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 3/21/2026, 5:36:52 AM272 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRegion8Fight#Laro Laro Pick#Alexa Ilacad#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Jackie Gonzaga

It’s officially the weekend, madlang people! I-level up ang energy this happy Saturday kasama ang “It's Showtime” family!

Mainit ba outside? Well, dito sa studio, ang excitement at good vibes ay hindi ma-hide dahil mainit din na pinaglalabanan ang papremyong umabot na ng P450,000 sa 'Laro Laro Pick.'

Lahat ng challenges at games ay kayang-kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong Bulacan—hindi BulaCAN'T! Join din sa game arena sina "It' Showtime" hosts Ryan Bang, Jugs Jugueta at Ion Perez, and special guest Alexa Ilacad, na always fresh na fresh.

Hindi naman sa nawala ang freshness, intense lang ang pawis ni Alexa sa sobrang kaba dahil for the first time ay naka-survive siya sa unang tanggalan. Si Alexa pa ang first player na tinapatan ng ilaw sa "It's Giving" kaya mas lalong nakaka-tense sa feeling, na para bang "nababasa" pati kili-kili niya. Pero kahit pawisan, maganda pa rin 'yan! Hindi man umabot sa jackPOT round, good job pa rin kay Alexa na malayo ang narating hanggang PILImination.

Kinilala rin ng hosts si player Rhian na still grieving and healing from a breakup. Tuloy lang ang life, sabi nga ni player Raf, na isa namang TNVS (Transport Network Vehicle Service) driver. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibaba at minsan nasa itaas. Ngayong mataas ang presyo ng gas, dumidiskarte si Raf upang ang kita ay sumapat.

Sapat ba ang diskarte ni Jugs at partner player na si Vangie para masungkit nila ang P450,000 POT money?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.