Feeling 'pa-tweetums' on a Monday? Kung bet mo ‘yung chill at sweet lang ang atake, pwede naman! Enjoy ka lang muna with the "It's Showtime" family. Dito, swabe lang ang mga banter pero 'pag bumanat sila ng jokes, sure na sure ang laughter.
'Pa-tweetums' din ang eksena nina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes, na para bang binalikan ang matamis nilang nakaraan. Good vibes lang po tayo dito, napasarap lang talaga ang asaran at kuwentuhan. Because once upon a time, sina Ogie at Manilyn ay naghatid ng kilig bilang love team during their prime.
Ang ‘feels’ ay para bang ‘80s o ‘90s ulit dahil pinagbigyan tayo nina Ogie at Manilyn ng isang duet. Si Ogie, bakit parang namumula? "Pangako," hugot nila bilang ex-loveteam na hindi man nauwi sa 'forever' ang kilig-kiligan pero nanatili namang magkaibigan. Bumisita si Manilyn at naghanda ng opening prod kasama sina Vina Morales, Tina Paner, at Roselle Nava.
Samantala, bumuhos ang tawa banda rito at may swerte banda ro’n. Kahit saan tumingin, happiness lang ang makikita mo sa bawat sulok ng 'Laro Laro Pick.' Bumida sa game arena ang madlang players mula sa Emerald City ng Manila, ang Muntinlupa. Pero hindi 'munti' ang papremyo na pwede nilang mapanalunan dahi ang POT money ay umabot na sa P450,000.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
