Sa panahon ngayon, organic encounter is the goal. Pero hindi rin naman masama ang humingi ng kaunting magic mula sa mga kaibigan. So, go ahead and tell them, "Uy, baka may irereto ka d'yan?" At higit sa lahat, huwag matakot na mag-take ng risk at mag-confess. Malay mo, bet ka rin niya, bes.
Sabi nga ni Ryan Bang, ganyan lang ang buhay. Sa usaping pag-ibig man o business o anong aspeto ng life, dapat "try and try." Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. At kung mabigo man, bumangon ka. Wala namang nagsabi na bawal sumubok muli, 'di ba?
For context, napag-usapan kasi ng "It's Showtime" hosts at ni 'TNT' contender Weljie ang pag-amin sa feelings at pagharap sa rejection. Sabi ni guest co-host Tetay, "It's okay to be honest kaysa 'yung kinikimkim mo lang sa sarili mo. Kasi, malay mo, trip ka rin ng gusto mo. So, you just have to be honest. And if you get rejected, it's okay, it doesn't end there. You just have to love again."
Dagdag naman ni Vhong Navarro, "Agree ako. Kasi si Ryan may gano'ng eksena before. Meron siyang gusto dati pero natorpe siya, eh. Hindi niya sinabing gusto niya. Pero meron palang pagkakataon kung sana nasabi niya nang maaga noon."
Kaya naman nagbigay na rin si Ryan ng payo mula sa sariling experience, "Try and try until you succeed. Walang fail sa buhay... Ngayon, akala mo fail ka pero mamaya darating sa'yo ang para sa'yo."
Ang seryosong usapan, nauwi sa asaran. Dahil hindi namalayan ni Ryan na siya pala ang magpapakilala ng huradong magbibigay ng komento, na walang iba kundi si Yeng Constantino, na hindi rin maitago ang pagtawa. Wala mang nabanggit na pangalan, parang gets na ng Madlang People, na si Yeng ang tinutukoy ni Vhong na 'gusto' noon ni Ryan dahil minsan na rin namang naging 'open' ang dalawa tungkol sa 'past' nila, sa isang episode ng "It's Showtime" noong 2022.
Pero minsan masarap lang talaga ang asaran sa magkakaibigan. Tumugtog ang "Chinito" sa background, sabay napangiti at lumitaw ang pagka-singkit ng mga mata ni Ryan, na halos hindi mabanggit ang pangalan ni Yeng. Biro ng co-hosts niya, parang namumula ang ating oppa'!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
