← Back to Home
Negi, napasabak sa Arnis! | It’s Showtime

Negi, napasabak sa Arnis! | It’s Showtime

Negi, napasabak sa Arnis! | It’s Showtime

🕒 3/14/2026, 5:42:15 AM219 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRegion7Na#Laro Laro Pick#Negi#Arnis#Joanna#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#Jhong Hilario#Ryan Bang

Champion sa tawanan ang Sabado na pinagsaluhan ng "It's Showtime" family at madlang student athletes sa 'Laro Laro Pick.'

Suntok sa buwan man ang pagsugal sa jackPOT question, siguradong knock out naman sa saya ang mga eksena sa game arena. Parang perfect shot from downtown, special ang Saturday. May backup pa ang 'Showtime' family in the person of Negi, na napasabak sa pisikalan bilang patner ni Chino, ang chinitong judo player. Pero mukhang hindi naman ininda ni Negi ang sakit ng katawan at na-enjoy pa nga ang pagkakabagsak niya na parang sako ng patatas sa daan.

Interesting din ang field ni Hana na walkathon. Hiling niya sa mga manonood, huwag namang pagtawanan ang kilos at galaw ng mga walkathon athletes dahil ang paglalakad nila’y hindi madali. Dugo, pawis at buong lakas pa ang ibinubuhos nila sa napiling sports.

Mga yantok naman ang first love ng arnis player na si Joana. Dahil sa pagiging atleta niya, nalilibot niya ang buong mundo at libreng nakakapag-aral. Nangolekta na rin siya ng gold medals sa iba't ibang kompetisyon sa bansa. Game na nag-sample si Joana. But, of course, kailangan ng kalaban. Negi, keri mo na 'yan!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Negi, napasabak sa Arnis! | It’s Showtime | Cheezmis