← Back to Home
Negi, itinumba ng Judo athlete na si Chino | It’s Showtime

Negi, itinumba ng Judo athlete na si Chino | It’s Showtime

Negi, itinumba ng Judo athlete na si Chino | It’s Showtime

🕒 3/14/2026, 5:36:02 AM220 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRegion7Na#Laro Laro Pick#Negi#Judo#Judo Athlete#Chino#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#Jhong Hilario

Hindi lang pang-family, pang-sports pa ang kulitan sa "It's Showtime." Suntok sa buwan man ang pagsugal sa jackPOT question, pero siguradong knock out sa saya ang mga eksena sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga players na estudyanteng atleta.

Parang perfect shot from downtown, special ang Saturday. May backup pa ang 'Showtime' family in the person of Negi, na napasabak sa pisikalan bilang patner ni Chino, ang chinitong judo player. Pero mukhang hindi naman ininda ni Negi ang sakit ng katawan at na-enjoy pa nga ang pagkakabagsak niya na parang sako ng patatas sa daan.

Interesting din ang field ni Hana na walkathon. Hiling niya sa mga manonood, huwag namang pagtawanan ang kilos at galaw ng mga walkathon athletes dahil ang paglalakad nila’y hindi madali. Dugo, pawis at buong lakas pa ang ibinubuhos nila sa napiling sports.

Mga yantok naman ang first love ng arnis player na si Joana. Dahil sa pagiging atleta niya, nalilibot niya ang buong mundo at libreng nakakapag-aral. Nangolekta na rin siya ng gold medals sa iba't ibang kompetisyon sa bansa. Game na nag-sample si Joana. But, of course, kailangan ng kalaban. Negi, keri mo na 'yan!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Negi, itinumba ng Judo athlete na si Chino | It’s Showtime | Cheezmis