Sa barkada, may isang palaging nabubunot sa asaran. Kung ikaw man ‘yon, cool ka lang! Parang dito sa “It’s Showtime” family, love language talaga nila ang puksaan. Pero walang pikunan, all for fun lang!
Laugh trip ang 'bardagulan' ng magkakaibigan. Unang target si Lassy, na namigay nga ba ng rubber shoes sa isang crew member na bago niyang baby? Pagkatapos gisahin tungkol sa 'special someone' niya sa studio, napagkatuwaan naman ang cropped top ni Lassy. Peg niya, 'yung sexy ala Cianne Dominguez, pero mukhang mas bagay sa kan’ya ang tawag na 'Cianne MADUMInguez.'
Ang beauty ni Lassy, inihalintulad ni Meme sa basang pandesal, 'yun bang kakasawsaw mo lang sa kape. Masarap daw 'yun, sabi ni Vhong Navarro. Kaya si Kuys Vhong, na-back to you! Mga mukha nila ni Lassy ay pinaglapit, at ang kulitan ay muntik pang mauwi sa kiss!
Mukhang bet naman ni MC na makakuha ng 'kiss' mula kay Darren Espanto. Sabi ni Meme, habang lahat ay nagkakagulo at effort na effort sa pagpapatawa sa entablado, nasa gilid lang si MC, just chilling na para bang dumada-moves at humo-hopia kay Darren.
Walang mapapagod tumawa sa pamilyang 'to! Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
