Mag-stretching muna para ready kang salubungin ang weekend. Nand’yan na siya, malapit na! Kaunting kembot na lang! Pero bago ang party mode, isang paalala muna—hindi masama ang mag-enjoy, basta 'yung pasok lang muna sa budget!
Usapang budget na nga tayo sa 'Laro Laro Pick' game arena. Sa March 12 episode ng "It's Showtime," kinilala ni Vice Ganda si player Ronna, ang masipag na mommy na susubukan lahat ng raket para matustusan ang pangangailangan ng kan'yang mga bagets. Sa mga ibinabalitang oil price hike na malaki ang posibilidad na makaapekto rin sa preso ng iba pang bilihin, si Vice Ganda, napaisip at nag-alala. Sapat pa ba ang minimum wage para sa isang pamilya?
Hindi lang sa presyo ng mga bilihin dapat mabahala, dahil maging ang learning crisis sa Pilipinas ay lumalala. Si Meme, natigilan at para bang natulala dahil sa mga sagot ng players sa 'It's Giving' round kung saan dapat tukuyin ang larawan ng mga bagay na nagpapakilala sa Pilipinas at kultura nito.
Nabigla si Meme nang sa kabila ng mga clues ay bigo pa rin si player Rein na matukoy ang larawan ng Malacañang. "Saan namamalagi ang pangulo?" tanong ni Meme. Sagot naman ng player, "Munisipyo." Kahit si Jhong Hilaro ay nagbigay na rin ng clue, "Mala..." Pero ang sabi ni Rein, "Malabon?" Natigilan muna si Meme bago ipinaliwanag ang nasa larawan, at maya-maya'y nagbiro, "Huwag puro blush at highlighter sa TikTok, ha?"
Samantala, laugh trip ang unang paghaharap nina Cianne Dominguez at Cianne MADUMInguez (Lassy). Sino ba ang winner natin today? Sa pagandahan ng cropped top at pakinisan ng balat, sino ang mas slay?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
