← Back to Home
Sarina, bumawi sa tanong na “POGI BA SI DADDY?” | It’s Showtime

Sarina, bumawi sa tanong na “POGI BA SI DADDY?” | It’s Showtime

Nagbabalik din para maglaro si Sarina, ang unica hija ni " It's Showtime " host Jhong Hilario.

🕒 2/24/2026, 4:57:16 AM224 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Sarina Hilario#Jhong Hilario Daughter#Sarina Showtime#Jhong Sarina Showtime#Jhong Sarina#Jhong Hilario Daughter Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 24 2026#

Choose good vibes this Tuesday! Ang mga bisita sa 'Laro Laro Pick' game arena, maliit man sa inyong paningin pero bigger happiness ang bitbit nila para sa atin. 

Dahil espesyal ang edisyong ito featuring child stars and kiddie online sensations, may special guest host din na nagdagdag ng charm sa studio, walang iba kundi ang 'anak' ni Vice Ganda na si Lucas Andalio.  

Nagbabalik din para maglaro si Sarina, ang unica hija ni  "It's Showtime" host Jhong Hilario. Napanood n'yo ba ang trending guesting ni Sarina sa 'Laro Laro Pick' last December? Sa nasabing episode, na-speechless si bagets sa tanong na, "Pogi ba tatay mo?" Kaya sinubukan ni Jhong kung babawi ang anak niya. Makasagot na kaya si Sarina? 

Hindi naman na-speechless si Kelsey–kinilig pa "nganiii" si girl–nang muling makaharap si Lucas, na may 'kasalanan' daw sa kan'ya. At walang kahiya-hiyang tinanong niya si Lucas, "Nagagandahan ka ba sa'kin?" Yas, girl! Bring it on, girl!  

Napansin naman ni Vice na pinanonood lang ni Argus sina Kelsey at Lucas, kaya tinanong niya ang cutie chinito kung ayos lang ba sa kan'ya ang closeness ng dalawa. Wala naman daw problema, sabi ni Argus, dahil kaibigan din niya si Lucas. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sarina, bumawi sa tanong na “POGI BA SI DADDY?” | It’s Showtime | Cheezmis