← Back to Home
Kim Chiu, bakit ayaw mong lumapit kay Jorald?! | It’s Showtime

Kim Chiu, bakit ayaw mong lumapit kay Jorald?! | It’s Showtime

Kim Chiu, bakit ayaw mong lumapit kay Jorald?! | It’s Showtime

🕒 2/20/2026, 5:17:00 AM246 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeNakakaFresh#Laro Laro Pick#Kim Chiu#Jorald#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Sinasabing Cavite ang lugar ng matatapang! No wonder na ang mga residente ng Dasmariñas, ang pinakamalaking city sa Etivac, sa ‘It’s Showtime’ Laro Laro Pick game arena ay buong tapang na sumabak. 

Lalabas din talaga ang tapang mo kapag nakaharap mo si 'ex' o kahit 'yung kamukha lang at kapangalan niya. Ehem, ehem, si Kim Chiu, parang may iniiwasan, narinig lang ang 'Jorald' na pangalan. Hindi man diretsahang sabihin ng mga 'kuys' pero gets natin na trip siyang asarin nina Jhong Hilario at Vhong Navarro dahil sa pangalang 'Jorald,' na tunog Gerald [Anderson], ang ex-boyfriend at loveteam partner ng aktres. 

"Napaka-OA," reaksyon ni Chinita Princess. "Heto ako, oh! Hello, Jorald ah!" Game naman pala si Kimmy! At para i-test ang chemistry, kumasa si Kim sa isang aktingan with Jorald, na isang ahente ng motor. Ang eksena, bebentahan ni Jorald ng motor si Kim na naghahanap ng something "comfy, safe, and secure." 

Kinilala rin ng hosts si Amihan, na hiniram ang pangalan ng sinasabing kahawig niyang si Iza Calzado. Si Iza ang peg niya sa mga gay beauty pageants. At para i-flex ang awrahan n’yang nakaka-reyna, nag-sample si Amihan ng pangmalakasang intro. Kaso muntik magkabungin dito! Hindi Dasmariñas kundi ibang lugar ang nabanggit na nire-represent ni Amihan, na para bang isa siyang flying voter sa botohan. Atecco, ano ang katotohanan?! 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kim Chiu, bakit ayaw mong lumapit kay Jorald?! | It’s Showtime | Cheezmis