← Back to Home
Hindi siya ’yan Meme! Vice Ganda, ninerbyos nang makita si Papu | It’s Showtime

Hindi siya ’yan Meme! Vice Ganda, ninerbyos nang makita si Papu | It’s Showtime

Laugh trip din ang mga eksena nang si Vice Ganda'y mamalikmata. Napagkamalan si Papu na isang personalidad na umano'y "nagtatago," o para ring "roll on na nagpapawis."

🕒 2/23/2026, 5:23:33 AM227 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda Papu#Vice Papu#Laro Laro Pick Papu#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 23 2026#Laro Laro Pick Bato Dela Rosa#Vice Ganda Bato Dela Rosa#

Age is just a number dahil kahit ang mga beloved senior citizens ay kering-keri maghatid ng laughter!

Madalas nating marinig sa mga nakatatanda ang mga katagang, "Ganito na ba ang kabataan ngayon?" Pero, what if mabaliktad ang sitwasyon? Never beating the no-filter 'allegations' ang mga lolo't lola from Mandaluyong na bumisita sa "It's Showtime" segment na Laro Laro Pick. Kaya si Vice Ganda, too stunned to speak! At ang nasabi na lang niya, "Grabe na ang matatanda ngayon."

Hindi pa man nagsisimula ang laro, may panalo na sa kakulitan at good vibes. Ang mga lola't lolo, muntik nang magbardagulan sa pag-aagawan ng puwesto. Hanggang sa nakuha ni nanay Nelds ang atensyon ng mga tao sa studio dahil sa mga kuwento niyang walang preno.

At ano itong chika na nagkayayaan na sila ni Papu na mag-date? Sa kanilang kulitan, may nasabi si Nelds na tiyak iyong ikagugulantang. Natawa na lang ang hosts, pati si Meme, na pabirong humingi ng paumanhin sa MTRCB. Pasensya na, sabi ni Vice Ganda, "Ganito na kasi ang matatanda ngayon."

Laugh trip din ang mga eksena nang si Vice Ganda'y mamalikmata. Napagkamalan si Papu na isang personalidad na umano'y "nagtatago," o para ring "roll on na nagpapawis."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Hindi siya ’yan Meme! Vice Ganda, ninerbyos nang makita si Papu | It’s Showtime | Cheezmis