← Back to Home
Vice, huling-huli sa akto ang ‘naglalambingan’ na cameramen | It’s Showtime

Vice, huling-huli sa akto ang ‘naglalambingan’ na cameramen | It’s Showtime

Vice, huling-huli sa akto ang ‘naglalambingan’ na cameramen | It’s Showtime

🕒 2/21/2026, 5:29:24 AM233 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeRegion4You#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Cameraman#naglalambingan#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Huwag nang mainit ang ulo kahit nagpaparamdam na ang init ng summer. It's the weekend, remember! Kaya i-enjoy na lang ang time para magpahinga at matulog nang mas mahaba. And you know the drill, mas kumpleto ang weekend bonding kapag "It's Showtime" family ay kapiling.

Naki-join nga sa Sabado kulitan ang veteran thespians na sina Boots Anson-Roa at Charo Santos, kasama pa ang isa naman sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon, Barbie Forteza. May mga baong kuwento ang tatlo tungkol sa kanilang bagong proyekto. 

At si Ma'am Charo, may baon din na hinanakit kay Vice Ganda? Nagtatampo umano ang "Maalaala Mo Kaya" host dahil hindi siya ikina-cast sa mga pelikula ni Meme. Sinakyan naman ni Vice ang tampo ni Charo, at idinamay pa ang kaibigan na si Jhong Hilario.

Pagkatapos mag-promote ng pelikula, nag-enjoy ang tatlo sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga residente ng Western Bicutan, Taguig, na kinilala rin ng hosts.

Laugh trip ang mga eksena nang mahuli ni Meme ang dalawang cameraman na diumano'y "naglalambingan" sa oras ng trabaho. Hirit ni Meme, kung sila nga ng ‘babe’ niyang si Ion Perez ay halos hindi na magpansinan sa studio, parang nakakainggit nga naman na may dalawang cameraman na makikita niyang sweet-sweet-an!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice, huling-huli sa akto ang ‘naglalambingan’ na cameramen | It’s Showtime | Cheezmis