Ngayong Year of the Fire Horse, sana'y sumipa ang swerte sa buhay nating lahat! Nakisaya sa ‘It’s Showtime’ segment na 'Laro Laro Pick' ang mga residente ng Caloocan para subukan ang kanilang kapalaran!
Parang fashion week ang peg ng awrahan ni Joker. Hindi siya papangalanang Joker kung hindi siya source of laughter! Nang pumasok si Vice Ganda, super aliw ng kanilang banter! Sinubok pa ni Meme ang kaalaman ni Joker sa 10 Commandments. Kaso bakit naging 11, Meme?! Ano 'yung nadagdag?!
But on a serious note, proud si Meme sa grind ni Joker, na hindi sumusuko sa kabila ng mga pagsubok. Hangga’t may lakas si Joker, itataguyod niya’t bibigyan ng magandang buhay ang pamilya. Napaisip tuloy si Meme, bakit parang ‘kakaiba’ ang ibang mayayaman. Bilyonaryo na nga, nagnanakaw pa?!
Kinilala rin nina Vice, Jhong Hilario, at Vhong Navarro si Mane, na para bang hindi masyadong bet ni Meme? Mas gusto raw kasi niya si player Oteng kaysa kay Mane! Teka, maglalaro pa ba o kuwentuhan na lang, Meme at mga Kuys? Heto pa ang kuwento, alam n'yo bang dapat magsasama noon sa pelikula sina Meme at Marian Rivera? Alamin ‘yan at iba pang pa-trivia, at maki-join sa kulitan sa ‘Laro Laro Pick’ game arena!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
