← Back to Home
Bakit nga ba takot si Vice Ganda na mag-FOLLOW BACK sa social media? | It’s Showtime

Bakit nga ba takot si Vice Ganda na mag-FOLLOW BACK sa social media? | It’s Showtime

Bakit nga ba takot si Vice Ganda na mag-FOLLOW BACK sa social media? | It’s Showtime

🕒 2/14/2026, 5:57:39 AM241 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#FEBibigSaShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#social media#follow back#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Ngayong Araw ng mga Puso, pupusuan mo ang mga love stories na bumida sa 'Laro laro Pick' segment ng "It's Showtime."

Sa special Valentine's Day edition, couples ang bumida sa game arena. 'Ika nga, two is better than one! Sino ang itinadhana sa jackpot round? Naki-'marites' ang hosts sa love story nina Edz at Rona, na patunay na posible ang 'love at first like!' Nagsimula ang kuwento nang i-like ni Rona ang travel post ni Edz sa social media, thinking na isa siyang content creator na may public profile. Ang simpleng 'like' ay road to forever na pala! 

'Yes' naman ang sagot ng Madlang People sa tanong ni Vice Ganda kung nagla-like rin ba sila ng posts ng taong hindi naman nila personal na kakilala. Na-realize niyang normal social media behavior lang pala ito. Kuwento kasi ni Vice, para sa mga artistang tulad niya, mahirap mag-like at mag-follow nang hindi pinag-iisipang mabuti dahil maaaring ma-misinterpret ng mga nakabantay na netizens. 

"'Pag public figure ka o celebrity ka, ang hirap mag-like. Kaunting like pag-uusapan at bibigyan ng ibang dahilan. Kahit kapwa artista, ako, takot na takot ako mag-follow kahit ka-chika ko... kasi 'pag lalaki, 'Ay, fina-follow ni Meme, hinaharot niya 'yan.' Eh, ang dudumi ng utak nitong mga bakulaw na 'to," paliwanag ni Meme Vice. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Bakit nga ba takot si Vice Ganda na mag-FOLLOW BACK sa social media? | It’s Showtime | Cheezmis