← Back to Home
Mr. Suave! Vice Ganda, ibinuking ang ‘past’ ni Vhong sa Sexbomb Girls | It’s Showtime

Mr. Suave! Vice Ganda, ibinuking ang ‘past’ ni Vhong sa Sexbomb Girls | It’s Showtime

Mr. Suave! Vice Ganda, ibinuking ang ‘past’ ni Vhong sa Sexbomb Girls | It’s Showtime

🕒 2/12/2026, 5:53:23 AM229 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#Laro Laro Pick#LabLabShowtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Mr. Suave#Sexbomb girls#Jhong Hilario

Dapat itodo ang energy, 'yun bang abot-langit para ang swerte ay kumapit. Hindi pwede ang matamlay! Sabayan ang kulit level ng mga taga-Taytay! Sila ang bumida sa "Laro Laro Pick" game arena, sa February 12 episode ng "It's Showtime."

Because Valentine's Day is just right around the corner, nagpaparamdam na ang iba't ibang 'feels.' Bunot for today's video si Vhong Navarro, na ibinuking ni Vice Ganda. He's not Mr. Suave for nothing, dahil sa karisma ng isang Vhong ay maraming nahumaling. Kinapitan ng mga kababaihan lalo na “noong kabataan”! 

Napansin kasi ni Vice ang nunal ni player Jojin, na katulad daw ng sa aktres na si Desiree del Valle, na sabi ni Meme ay naging ex-girlfriend ni Vhong. Idinaan na lang ni Vhong sa ngiti at tawa ang reaksyon. At hindi pa diyan nagtatapos ang mga rebelasyon, dahil dagdag ni Meme, may 'past' din si Vhong with the Sexbomb Girls pero hindi na niya pinangalanan kung sinong miyembro. 

"Noong kabataan mo din talaga, pinag-aagawan ka nila, 'no? Pati Sexbomb nadaanan mo," pang-aasar ni Meme sa kaibigan. "Na-interview ko [ang Sexbomb.] Sabi ko, ay, tumawid pala ng Sexbomb 'tong Streetboys!"

Iba talaga si kuys Vhong! Siya na pogi, sa kanya pa ang dating! 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Mr. Suave! Vice Ganda, ibinuking ang ‘past’ ni Vhong sa Sexbomb Girls | It’s Showtime | Cheezmis