← Back to Home
‘WAG KANG SUSUKO! Ryan Bang, nahirapan sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

‘WAG KANG SUSUKO! Ryan Bang, nahirapan sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

‘WAG KANG SUSUKO! Ryan Bang, nahirapan sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 2/13/2026, 6:12:34 AM210 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#Showtime143#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Ryan Bang#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Ilista ang pangalan n'yo ni crush, tapos i-cross out ang magkakaparehong letra at bilangin kung F.L.A.M.E.S. ang hatol ni destiny sa inyong love story. Dito naman sa "It's Showtime," pagsaluhan natin ang G.V. as in Good Vibes! 

Mula sa pinakamalaking baranggay sa Malabon, sumugod ang mga taga-Potrero sa 'Laro Laro Pick' game arena para subukan ang swerte nila. Nakipagkulitan pa sila kina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Vice Ganda. 

Join din sina "It's Showtime" hosts Ryan Bang, Teddy Corpuz, Ion Perez, at Cianne Dominguez, na ire-represent ang mabubunot na madlang players kung sakaling umabante sila sa jackpot round. Malaking bagay ang paglalaro ng mga hosts, kaya hindi susuko si Ryan–dila niya'y magkabuhol-buhol man. 

Kinaaliwan ang fighting spirit ni Ryan, na never-give-up ang motto kahit pa bali-baliko ang sagot sa 'It's Giving' round kung saan dapat ma-arrange ang jumbled word clues para mahulaan ang tamang titulo ng OPM song. "It Takes A Man And A Woman" ang natapat kay Ryan! At para bang will take a lifetime bago niya mahulaan ang tamang sagot, kaya naman pati si Vice Ganda ay tawang-tawa sa ating 'oppa!' 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.