← Back to Home
HUSTISYA! Vice Ganda, patuloy sa panawagang panagutin ang mga nagnanakaw sa bayan | It’s Showtime

HUSTISYA! Vice Ganda, patuloy sa panawagang panagutin ang mga nagnanakaw sa bayan | It’s Showtime

HUSTISYA! Vice Ganda, patuloy sa panawagang panagutin ang mga nagnanakaw sa bayan | It’s Showtime

🕒 1/7/2026, 6:12:43 AM479 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#DitoSaShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Kim Chiu#Vhong Navarro#Jhong Hilario#kurapsyon#hustisya#panawagan

Muling nanawagan ng hustisya si Unkabogable Superstar Vice Ganda para sa mga Pilipinong "ninakawan." Sa January 7 episode ng "It's Showtime," naimbitahan sa ‘Laro Laro Pick’ game arena ang ilang residente ng Taguig. Sa jackpot round, kinilala nina Vice, Kim Chiu, Jhong Hilario at Jackie Gonzaga si player Aiai, isang solo parent. "Sana huwag kang magkakasakit," sambit ni Vice nang mapag-alaman na siyam ang anak nito.

Tugon ni Aiai, totoong may sakit siya, cervical cancer, pero hindi regular ang kanyang checkup mula nang ma-diagnose noong 2019. Tinitiis na nga lang ni Aiai ang sakit dahil sa mga problemang pinansiyal. Aniya, 'yung ibabayad sa checkup ay mas ilalaan na lang niya sa pagkain ng pamilya. Kahit daw ang minimal fee sa pampublikong ospital ay hindi kakayanin ng maliit na kita niya bilang laundry staff. "Kapag gabi po, bigla na lang akong nagchi-chill. Pero sabi ko, 'Diyos ko po, kailangan pa po ako ng mga anak ko.' Kasi ang mga magulang ko matatanda na rin."

Na-'speechless' si Vice sa pinagdadaanan ni Aiai, "Hindi ko alam... Ang tanging masasabi ko na lang ay bahala na si Lord. God bless you. Sana makakuha ka ng tulong, o sana magkaroon ng himala sa katawan mo."

Ipinaalala ng kuwento ni Aiai ang problema ng bansa tungkol sa kakulangan ng medical assistance para sa mga Pilipino. "Si Aiai ay hindi nag-iisa. Ang daming Pilipinong ganyan ang istorya, sa ngayon. At marami pang Pilipino ang makakaranas nang ganyan hangga't nananatiling walang sistema ng healthcare sa Pilipinas na matino,” sabi ni Vice. 

Kaya muli siyang sa mga nasa posisyon, "Kailangan i-demand natin 'yan sa pamahalaan. Kailangan natin silang katukin. At kung [may mga programa] na kayo, kailangan naming matanggap." Nabanggit din ni Aiai na may binigyan na ng taning ang buhay ng kanyang ama at tila naghihintay na lamang ng araw na iyon. Kaya mas lalong nalungkot si Vice, "Ilang Pilipino ang araw-araw maghihintay na lang mamatay kasi walang tulong na nakukuha?"

Hiling ni Vice na sana ang 'taxes' ay napupunta sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong at "hindi sa mga mayayaman na at gahaman." Dagdag niya, "Sa 2026, alam kong we're trying to move forward with hope pero sana huwag nating kakalimutan na wala pa rin pong nakukulong na nagnakaw sa Pilipinas."

Matapang din na nanawagan si Vice, "Sa presidenteng nangako na magpapakulong [ng mga magnanakaw], naghihintay pa rin po kami dahil hanggang ngayon ay wala pa rin po talagang malaking isda o politikong nakukulong."

"Yes, we move forward with hope pero kailangan i-demand natin kung anong ang hustisyang kailangang makuha natin." Ipinaliwanag din ni Vice na hindi niya gustong maging "political" sa programa pero, aniya, ang social justice ay hindi "political" kundi personal dahil mismong mga mamamayan ang apektado. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) and iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
HUSTISYA! Vice Ganda, patuloy sa panawagang panagutin ang mga nagnanakaw sa bayan | It’s Showtime | Cheezmis